
Here’s a review of the theater musical “Makata’y Mandirigma, Mandirigma’y Makata” from the December 9, 2009 issue of the Philippine Collegian. For photos, music, and live audio snippets of the play click here.
Isa’t Kalahating Oras ng Rebolusyon
ni Glenn L . Diaz, Philippine Collegian Dis 9, 2009
Hindi pwede ang balat-sibuyas sa UP Theater noong ika-30 ng Nobyembre. Walang pagpapanggap kung salubungin ng palakpakan ng mga manonood ang mga nakataas na M-16 ng mga gumanap na NPA sa dulang Ang Makata’y Mandirigma, Mandirigma’y Makata. Bawal din ang saradong isipan, dahil tila kumawala mula sa entablado ang mga itinuturing taboo na usapin tulad ng komunismo at digmaang bayan. Sa katapusan ng palabas, tila dagat ng mga nakapinid at nakataas na kamao ang buong teatro, umuunday sa ritmo kasabay ng buong giliw na pag-awit ng Internationale, ang pandaigdigang himno ng komunismo. Continue reading















