(First part, link to next part at end of post.) Ito ang unang pagkakataon ngayong taon na ‘di ko dinala ang laptop sa isang out of town activity kahit sigurado ang kuryente o internet connection. Siguro dahil ayaw kong ma-istorbo. Fasting sa distraction na dulot ng pagbabad sa social network. Tingin ko panahon ito upang matuto. Isang unique at historic activity ang pupuntahan at iniwan ko ang laptop upang makabwelo sa pakikihalubilo at pakikipagkwentuhan. Inisip ko rin ano na ba ang itsura ng aking note taking sa classic pen and paper. Pero dinala ko ang DSLR. Mabuti nalang. Maraming mabibilis na galaw at pangyayari. At rakenrol parin sa paghuli ng mga ito ang DSLR ni Tatay Monram.
First photo in my camera is the photo above with Gary Granada taken in NAIA terminal 2 while boarding the plane for Dumaguete. Continue reading













