Ang pagpapalaganap ng rap ay isang misyon halos para kay Gloc-9. Hangad niya na bigyang-tinig ang bawat kabataang may mensaheng nais niyang ipaabot sa kanyang kapwa. Sa ganyang paraan nagkakaroon ng tinig ang lahat ng mga taong may nais sabihin tungkol sa sarili at sa lipunang kinabibilangan niya. At sa paglaganap ng rap, ang mga Filipinong pinipi ng kanilang katayuan sa lipunan, ng kakulangan ng pormal na edukasyon, ng panghahamak ng humahawak ng kapangyarihan, ay magkakatinig. At kapag ang mga pipi ay nakapagsalita, isang hakbang na iyan sa pagtatamo ng mga Filipino ng masabi nating tunay na pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa ating lipunan.
– National Artist Bienvenido Lumbera
sa GLOC-9: Nang magkatinig ang pipi – Bulatlat.
Larawan mula sa wwar3.wordpress.com.













