At doon po sa Payatas

I stumbled upon an essay I wrote in 2000 for the old Agham-Youth website while I was googling a while ago for Agham-Youth’s new website (which sadly I was unable to find).

This was written as a documentation of our organization’s activity. I was the chairperson then of Agham-Youth UP Diliman and one of the activities we held after the Payatas tragedy in July 2000 was an exposure trip to the urban poor community in Payatas to better understand the situation.

After writing and posting the article on the web, a correspondent from the UP web portal Peyups.com emailed me asking for permission to repost the article on their site. Nine years after, only the Peyups.com post remained online.

The pictures used in the post were shot using my father’s Olympus digicam. I think this was his second digital camera (his first was also an Olympus digital camera, and his Canon SLR was third). The last set of photos I took with this digital camera (before the retracting lens failed to rectract) was our baby Elian’s birth in 2008. I’m still looking for the originals of our Agham-Youth photos.

At doon po sa Payatas

AUGUST 5, SABADO: Alas-onse ng umaga at katatapos lang naming kumain. Ang labing dalawang miyembro ng Agham-Youth ay makaluluwas na rin ng Peyups upang tumungo sa Brgy. Lupang Pangako, isang urban poor community malapit sa Litex. Mas kilala ang lugar sa pangalang Payatas.

Ang pagpunta doon ay may layuning makilala at sa maikling panahon ay maranasan ang buhay ng isa sa tinatawag nating basic masses ng ating lipunan. Nilayon din naming makatulong sa ginagawang relief operations ng Task Force Damayan sa mga apektadong pamilya ng naganap na trashslide.

Hindi matutumbasan ng aming ibinayad na pamasahe sa dyip papunta at pabalik ng Brgy. Lupang Pangako ang aming naranasan at natuklasan. Minulat ng Payatas ang aming mga mata upang siyasatin pa ang kalagayan ng iba’t ibang mamamayan sa ating lipunan.

Ngayon balikan natin ang mga pangyayari noong unang sabado sa buwan ng Agosto. Alas-onse ng umaga…

Simulan na ang trip

Halos isang oras din kaming bumiyahe sa kahabaan ng Commonwealth Ave. at Litex bago kami nakarating sa Phase 2 ng Brgy. Lupang Pangako. Mas kilala ang lugar sa pangalang Payatas. Agad-agad kaming nagtungo sa kaisaisahang daycare center sa Purok 7. Ito rin ang head quarters ng Task Force Damayan.

Sa HQ ng Task Force Damayan namin hinanap si Kuya Jon-Jon.Ka Nenits Siya ang aming contact at organizer ng Kadamay-NCR, ang alliance ng iba’t ibang urban poor organizations sa buong bansa. Si Kuya Jon-Jon ay alumni ng Beta Sigma (UPD).

Sunod naming nakilala ang ilan pang organizers ng Kadamay at Samahang Tunay (organisasyon ng mga taga-Payatas). Hindi nagtagal at sinimulan na ang discussion. Isa si Aling Nenita sa nag-facilitate ng discussion. Mas kilala siya ng mga taga-Payatas na Ka Nenits.

Kasama si Leo, sa dumpsite kami nag-expo

Matapos ang mahabang talakayan, ipinakilala ni Kuya Jon-Jon si Leo, AnakBayan (AB) member, Payatas chapter. Ang AB ay isang comprehensive youth organization. Isa sa kanilang mga layunin ay ang ipaglaban ang karapatan ng kabataan sa isang free, accessible, scientific, nationalist, at pang-masang sistema ng edukasyon. Si Leo ang naging guide namin papunta sa Purok 8, 9, at 5. Dito namin nabuo ang picture ng Payatas, ng lawak ng dumpsite, at ang kalagayan ng mga naninirahan dito.

Babala!

Huli na ang babala. Tapos na.

Subalit hindi natural kundi man-made ang nais itawag ng mga taga-Payatas sa naganap na trahedya. Malinaw at sariwa pa sa kanilang alaala na sila ang nauna at hindi ang bundok ng basura. Sa isang banda, bakit ka magbubukas ng landfill na 400 meters lang ang layo sa isang water reservoir (La Mesa Dam).

Ika nga ni Ka Nenits, sino ba naman ang gustong tumira sa tabi ng tambak ng basura. Sa loob ng halos ilang taon bago dumating at lumawak ang bundok ng basura, inalagaan at inaruga ng mga mamamayan ang Brgy. Lupang Pangako. Subalit matapos pagandahin, ang dati-rati’y malawak na damuhan ay ginawa na palang tambakan.

tambakanHalos ilang taon na ring nagbabarikada at nagpoprotesta ang mga mamayan ng Payatas na ipasara na ang landfill at magpatupad ang local at national government na malinaw na development at livelihood program. Sa tinatawag nilang ERAP City, ang bagong relocation site para sa mga biktima ng trahedya, bukod sa walang kuryente’t ilaw, binabaha pa hanggang tuhod pag tuluyang bumuhos ang ulan.

At temporary lang pala ang pagiging libre ng ERAP City. Baka nga ngayon eh, kailangan mo nang mag bayad bago ka makalatag. Sa kakaibang panahon na may papatinding represyon, may tungkulin ang siyentista o di kaya’y mag-aaral na alamin ang kalagayan ng mamamayang, isa isang banda’y may pagdurusa.

Purok Siete

Pagbalik namin sa Purok 7 nakapagpahinga’t piktyur teyking pa kami ng ilang minuto bago pormal na nagsimula ang relief operations.

Sa naganap na relief operations namin nakilala ang ilan pang members ng AB-Payatas Chapter at isang AB organizer mula sa FEU, na pansamantala habang ginagawa ko itong article ay nakalimutan ko yung pangalan.

Nakalimutan ko man ang pangalan niya at ng iba pa nilang kasamahan, hinding hindi ko makakalimutan ang init ng kanilang pagtanggap at pagbibigay kasagutan sa ilan sa aking mga tanong.

Kung sabagay, hanggang sa labas ng paaralan patuloy dapat ang ating pag-aaral, kung saan ang alternatibong klasrum ay ang iyong lipunan.

Bukod sa mga taga-AB nakilala rin namin ang kapwa namin exposurees at volunteers na sina Jen at ang mga kasamahan niya mula sa UP Manila College of Nursing. Si Jen ang Vice-Chair ng kanilang College Student Council.

At sa gitna Relief Ops mahirap mag-relieve ng sarili. Fast paced at hindi man praktikal na i-maintain ang poise habang nag-aayos ng goodies at nag-dodocument ng pangyayari, enjoy kaming mag serve the people.

Relief OpsSa Relief Ops nahati ang grupo sa tatlong gawain. May mga tambay, este.. stand-by na nag-rereplenish ng supplies na sa center mula sa bodega ng HQ. Ang iba ay taga-lista at taga-verify ng mga beneficiaries. At siyempre ang kay Loreen, hinding-hindi niya makalilimutan ang inayos niyang table ng mga deceased at missing.

Nakasama rin nga pala namin ang grupo ng Trinity College Student Council at ang mga humabol na ROTC officers, at mga taga-MassComm mula sa UP Diliman.

Maigsi ang naging integration. Sabi nga ni Erika ilang araw matapos ang expo, para yatang bitin. Hindi na bale, marami pa namang sabado. Marami pang pagkakataon. Marami pang mapupuntahan. Marami pang dapat matuklasan.

Sa aming pag-uwi

Hayun, uwian na subalit hindi pa tapos ang serye ng integration. Maaring hindi pa tapos ang serye ng pagkekwento. Marami pa kasing dapat ikwento. Mas marami tiyak ang kailangang tuklasin. Kahit ako mismo bitin sa ginawa kong write-up. Na-realize ko na mahirap palang isusulat ng isang upuan ang lahat ng iyong karanasan sa isang maghapon.

Tiyak na marami pang idadagdag na impormasyon. Mangulit lamang at magpakwento. Mas maganda kung sa susunod, kayo na ay makakasama.

Advertisements

1 Comment

Filed under National Situation, Writings

One response to “At doon po sa Payatas

  1. omer

    i like! tara BMI ulit! lahat ng AY alumni man o residente. hehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s