Bicolwide Transport Strike

Bukas April 27, 2009 maglulunsad ang Condor-Piston ng isang regionwide transport strike sa Bicol. Maliban sa pagprotesta sa LTO Department Order # 2008-39 at 2008-38, na nagtaas ng 200%-1,200% multa sa mga violations at nagtataas sa halaga sa pagkuha ng lisensya ng mga driver at konduktor, nilalabanan pa ng mga tsuper at operator ang pagsasamantala ng mga kartel sa presyo ng produktong petrolyo, at ang mga batas na Oil Deregulation Law at 12% Value Added Tax.

Heto ang kumpletong press release ng Condor-Piston tungkol sa magaganap na transport strike bukas.

Notice of Strike

Ang sektor ng transportasyon ay may mayamang tradisyon sa paglilingkod sa mamamayan, buong-buong kinakarga nito ang serbisyo-publiko sa hanay ng transportasyon na dapat sana ay tinutugunan ng gobyerno. Sa kabila nito, patuloy naming dinaranas ang higit na kahirapan dahil sa pagsasamantala ng mga kartel sa presyo ng produktong petrolyo, nagtataasang presyo ng mga piyesa ng sasakyan, patuloy na pagpapatupad ng Oil Deregulation Law, 12% Value Added Tax), mga bayarin sa pagkuha ng prangkesa at rehistrasyon, pagtaas ng presyo ng bilihin, kawalan ng serbisyo sosyal at kawalan ng kongkretong hakbang ng gobyerno upang itaas ang antas ng aming pamumuhay.

Busabus na nga ang kalagayan ng aming sektor, nagawa pa ring maglabas ng Department of Transportation and Communication ng mga kautusan na ipapatupad ng Land Transportation Office, ang Department Order # 2008-39 at 2008-38, na nagtaas ng 200%-1,200% multa sa mga violations at nagtataas sa halaga sa pagkuha ng lisensya ng mga driver at konduktor. Ang D.O. No. 39 ay pumapatungkol sa Revised Schedule of Land Transportation Office Fines and Penalties for Traffic and Administrative Violations at ang D.O. No. 38 ay hinggil naman sa Revised Schedule of Administrative Fees and Charges on Driver’s and Conductors License.

Ang bagong Department Orders na ito ay dagdag pasanin sa sektor ng transportasyon. Ginawa ito ng walang konsultasyon at sa harap ng matinding krisis sa ekonomiya na pinapasan ng mamamayan. Napakalinaw ng motibo ng gubyernong Arroyo sa pamamagitan ng DOTC at LTO sa pagpataw ng dagdag na bayarin, hindi upang disiplinahin ang mga drayber at konduktor kundi patuloy na gatasan o pagkakitaan ng gobyerno ang dugo at pawis ng sektor ng transportasyon. Ang pera na dapat sana ay mapupunta na sa mga hapag-kainan ng aming pamilya ay walang habas na ninanakaw at pinagpapasasaan ng iilan.

Kung kaya, naninindigan ang aming sektor na kailangang ibasura ang Department Order # 2008-39 at 2008-38 at kasabay na kundenahin ang hindi makatarungang pagtaas muli ng presyo ng mga produktong petrolyo at iba pang mga batas at patakarang patuloy na nagpapasakit sa sektor at sa buong sambayanan. Kung kaya, muli naming hinihiling ang inyong pakikiisa at pagsuporta upang itambol sa rehiyong Bicol ang ating mahigpit na pagkundena sa pasakit na Department Order # 2008-39 at 2008-38.

  • PAGKILOS: BICOLWIDE TRANSPORT STRIKE
  • PETSA: ABRIL 27, 2009
  • ORAS: 1:00 MADALING ARAW – 12:00 HATINGGABI
Advertisements

Leave a comment

Filed under Bicol Region

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s