The Advocacy of Angel Locsin

Angel Locsin in an evacuation center in Munai, Lanao del Norte with Amirah Lidasan (left). Photo from PinoyWeekly

Angel Locsin listens to stories of militarized communities in an evacuation center in Munai, Lanao del Norte with Suara Bangsamoro's Amirah Lidasan (left). Photo from PinoyWeekly

Recently, Angel Locsin in partnership with other Filipino celebrities organized an online auction for the benefit of Typhoon Ondoy victims. But even before that, Angel has been active with her pro-people and women’s rights advocacy.

She has always been an advocate of women rights which she translates into supporting the women’s organization Gabriela. In fact, she celebrated her birthday last April 23 with the women’s group and shared in a workshop some self-defense moves that women can use to defend themselves from abuse. (Video from PinoyWeekly)

A few months after, she joined a fact finding mission bound to Lanao del Norte to investigate the situation of militarized communities. She gave the following reflection to her fans and friends to explain her whereabouts and experience with the communities.

Hi guys!

Marami po ang nagtatanong sa akin kung bakit daw po ako pumunta sa Mindanao. Yung iba po, tinatanong kung may shooting daw po kami dun. Yung iba naman po, akala kandidato po ako.

Hindi ko po masisisi kung ganun ang expectations lalo na ng mga tagaroon sa mga dumadayo doon. Kasi pagka-ganitong mga pagkakataon lang daw po sila naaalala…

In fact, yung mga close po sa akin na nakakaalam ng lakad na ito, dini-discourage po talaga ako para di ko na ituloy. May nagbiro pa nga po sa akin na may No-Ransom policy daw ang ABS. Pero personal decision ko po ang pagpunta ko doon, hindi lang po dahil may soft spot ako sa mga Muslim dahil sa ganitong culture lumaki ang mommy namin, kundi dahil marami po akong katanungan at gustong matutunan…

In relation po kasi sa commitment ko sa Human Rights Advocacy, especially of women and children—common notion po sa atin na ang Mindanao, of all regions sa Pilipinas, ang pinakamagulo at notorious when it comes to human rights violation because of the armed conflict that is going on. Plus the fact na marami po sa atin ay may cultural bias against Muslims.

Ang naging motivation ko po dito ay ang mga questions ko kung bakit sila kinatatakutan na parang mga terorista, bakit may gulo at bakit hindi ito matapos-tapos, bakit sabi nila very rich daw ang natural resources ng Mindanao pero bakit marami dun ang mahirap, etc, etc…

Alam ko pong sa dalawang araw lang na stay namin doon ay di ko pa po matututunan ang lahat kaya pinag-aaralan ko pa rin ang sitwasyon nila at kung ano pong tulong ang kailangan nila. Pero sa dalawang araw lang na yon, marami po akong na-realize.

Ilan po sa naging realizations ko ay mga biktima po ang mga kapwa Pilipino natin doon, hindi po lahat terorista. Muslims at Christians, parehong apektado ng giyera, at ayon po sa mga tao doon, hindi po totoong Muslims at Christians ang magkalaban. Ang tunay daw pong problema nila ay poverty, landlessness at cultural displacement kaya daw maraming nagrerebelde.

Sa interview po namin sa mga taga-evacuation center ng Munai, gusto na po sana nilang magkaroon na ng kapayapaan para makabalik sa kanilang mga sakahan. Ang lupa po kasi ang basis ng kanilang economic at cultural activities—dito po nanggagaling ang kanilang pagkain, ang kanilang mga produkto tulad ng brassware, potteries at tela—kaya kapag tinanggalan sila ng lupa, parang tinanggal din po ang kanilang culture, identity at buhay. Kaya sana mai-resume na po ang peace talks alang-alang po sa mga naiipit sa digmaan.

Doon po naman sa pinuntahan naming peasant Muslim at Christian community sa loob ng isang cement factory compound, problema nila ang threat na mapalayas sa kanilang lupain dahil isang foreign corporation po ang umaangkin nito. Sa ngayon, bago po kayo makapasok sa lugar nila, kailangan pa pong maglog sa mga security guards ng cement factory, pero sa mga susunod na araw, maaring sila mismo ay di na makapasok sa kanilang lugar kung hindi po pakikinggan ng mga kinauukulan ang kanilang pinaglalabang ancestral domain.

Alam ko rin pong wala po akong masyadong magagawa para ma-resolve ang problema sa Mindanao. Alam ko pong di sapat yung relief or charity work dito, dahil sa nakikita ko po ngayon, hindi awa ang kailangan nila kundi pagkilala sa kanila bilang kapwa, bilang taong may karapatan. Yung simpleng pagtanggal sa ating cultural discrimination, yung simpleng pagpapadama sa kanila na di sila nag-iisa sa laban nila, malaking bagay po yun sa kanila…

Nakikiisa po ako sa kanila sa panawagan para sa kapayapaan.

GIVE PEACE IN MINDANAO A CHANCE…

Photo from PinoyWeekly

Photo from PinoyWeekly

With the trying times the Filipinos face these days, Angel’s pro-people advocacy is something that her fellow celebrities (and fans too!) should emulate. \m/ Rakenrol!

3 Comments

Filed under People

3 responses to “The Advocacy of Angel Locsin

  1. agnes

    mabuhay ka Angel, we need more courageous women like you

  2. Al Qamar

    She still has the heart of a MORO despite fame.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s